Salitang nagsasabi na pagod kana.
Pagod kana sa pag-aaral, pagtatrabaho, sa gawaing bahay at sa iyong buhay.
Salitang nagsasabi na itigil mo na, salitang gusto mong ipaglaban pa.
Pagod ka na, Pagod ka na sa bawat araw na iyong ginagawa pero hindi ka man lang naalala
Pagod ka na, sa pag-ngiti kahit alam mo sa puso mo na hindi mo na ito nararamdaman kahit kaunti
Pagod kana sa araw-araw na lang na asa ka na baka..
Baka bumalik ang sigla
Baka bumalik ang tuwa
Baka bumalik siya…
Pagod kana sa paulit ulit na panunuyo habang ang mga labi mo ay nanunuyo.
Pagod kana na ibigay ang lahat kahit para sa kanya hindi na ito sapat
Pagod kana na marinig ang tono nyang galit na galit habang ikaw ay namimilipit sa sakit
Pagod kana sa mga away na hindi na maayos kaya puso ay naghihikahos
Pagod kana sa gulo kaya luha ay di nahinto sa pagtulo
Pagod kana lumaban pero kinakaya dahil sa pagmamahalan
Pagod kana.
by kewlestgee