Hindi eto yung kantang Pahinga ni Al James
Eto yung binibigay mo sa taong gusto o nais ng distansya
Distansya – kung saan kailangan n’yong iwasan ang isa’t isa.
Paano nga ba ang bumitaw sa isang relasyon?
May mga paraan ba para hindi masakit ang pagmo-move on?
May mga paraan pa ba para maisalba ang relasyon? O kaya naman ay..
Maaari bang tumakas sa katotohanang kami’y wala na.
Sa bawat araw na lumilipas.
Iyan ang mga tanong sa aking isipan.
Naguguluhan, umiiyak at unti-unting nasasaktan.
Mga tanong na hindi ko alam kung may kasagutan.
O may mga hakbang ba na kailangang gawin para maisalba pa ang relasyon namin.
Sa una, syempre masaya.
Lahat ay tila walang problema.
Lahat ay kanya kanya sa mga buhay nila.
Na tila tayong dalawa lang ang laman ng unang kabanata.
Ngunit pagdating sa kalagitnaan ay tila,
Para na tayong mga mata ko.
Malabo. Unti-unti ng lumalabo ang ugnayan natin sa isa’t isa.
Lumipas ang ilang mga araw,
Nag-isang buwan na tayo.
Tila ang saya saya at wala tayong pakialam sa iba.
Ngunit bago tayo mag-dalawang buwan,
Naisipan ko ng magtanong sa’yo.
Dahil ako’y takot na iwan mo.
Nag-usap tayo nung gabing iyon,
At ang lahat ng tanong ko’y nabigyan ng kasagutan.
Hindi ko nakuhang umiyak no’n dahil ako’y nasanay na sa kung paano mo ‘ko itrato.
Akala ko’y tapos na ang ating storya.
Laking gulat ko nung chinat mo ako nung umaga.
Nalaman mo na sinabi ko sa iba’y tayo’y wala na.
Pinaliwanag mo sa’kin na tayo ay magpapahinga lang.
Dahil ang sabi mo’y kailangan lang natin ng pahinga’t distansya.
At hindi tayo maghihiwalay.
Na ang sabi mo pa’y “Iba ang distansya sa wala na.”
Ako’y pumayag at tila masaya sa aking nalaman,
Na para bang ayaw mo akong bitawan.
Pero iba naman kasi ang iyong pinararamdam.
Nalaman ng iba ang tungkol sa ating dalawa.
May mga taong tila masaya sa nabalitaan nila.
At may mga chismoso’t chismosa pa na gustong mang-gulo sa desisyon nating dalawa.
May mga tao din namang nalungkot, dahil ang storya natin ay naudlot.
Sa araw araw ay puno ang puso ko ng kaba,
Na baka dumating ang isang araw na sasabihin mo sa’kin ay “Sorry, may mahal na akong iba.”
Ang tanga ko ‘no?
Masyado akong nagpadala sa emosyon, kaya eto kami ngayon.
Ang gulo-gulo at tila wala ng direksyon.
Para kaming bata na, away-bati.
Sisihan dito, sisihan doon.
Kaya kapag napagod na, bigla na lang magsasawa at hihinto.
Para wala ng pag-usapan at pagtalunan pa.
Sabi nga ng isip ko,
“Gusto ko ng bumitaw.”
Pero nakikipagtalo pa din ang puso kong
Ikaw pa rin ang sinisigaw.
Mahal, tama bang ipaglaban pa?
Ang sabi mo’y magpapahinga.
Pero bakit tila ika’y nagpahinga sa piling ng iba.
Mahal, handa akong lumaban at tanggapin ang panghuhusga ng ibang tao.
Kaso mahihirapan ako, kung ikaw mismo..
Ay handa ng sumuko.
Mahal, pinapalaya na kita.
Hindi dahil nagsasawa na ako sa ating dalawa.
Kundi alam ko sa sarili ko na may mahal ka ng iba.
Masakit man sa akin ang bitawan at pakawalan ka,
Pero mas masakit kung habang tayo pa,
Ay may mahal ka na pa lang iba.
Oo, mahal pa kita.
Pero hindi na tama para ipaglaban pa.
by Zildjian Austin Beniten