#MerryChristmas

Nararamdaman mo pa ba?
Yung ‘excitement’ kapag malapit na ang pasko?
Yung tipong Setyembre palang ay maiisip mo na agad na malapit na uli ang pasko
Yung hindi pa nag-uundas pero may mga Christmas light na sa mga kabahayan
Nararamdaman mo pa nga ba?
Yung bisperas ng pasko, dama mo nanaman yung lamig ng tubig
Tuwing umaga at pahirapan nanaman sa pagligo bago pumasok sa eskwela
Madidinig mo nanaman ang pagtambol ng lata at tunog ng mga pinagsama-samang tansan
galing sa mga bata
Ngunit ngayon, ramdam pa ba?
Siguro oo,kasi “#BearMonthsna”
Ika nga sa status mo
Yung magsisimbang gabi ka lang pero hanep ang pormahan mo
Pagtapos ay “#SimbangGabi” caption sa bagong profile picture mo
Dama pa ba?
Yung saya pagsapit ng pasko?
Kumpleto ang pamilya at handa sa Noche Buena,
Pero ikaw nasa isang sulok,
Busy sa Cellphone mo
Paano mo mararamdaman ang pasko kung ikaw mismo ang tumatangi na madama ito
Ngayon ang status mo “#MerryChristmas, tamang higa lang sa kwarto hawak ang cellphone ko”
Hindi mo na dama ang saya kasi lagi kang nasa social media
Hindi mo na ramdam ang bisperas ng pasko dahil mas gusto mo magisa lagi sa kwarto mo.
Hindi mo na nararamdaman dahil na sa social media na ang mundo mo.

by Ms. Sardinas

Design a site like this with WordPress.com
Get started